Indibidwal na Sanaysay


Ang natutunan ko kay Emma Watson...

Patrisse Mistica 
Ang natutunan ko kay Emma Watson ay edukasyon ang isa sa pinaka-importanteng opportunidad na maibibigay sa isang tao. Siya ay labing isang taong gulang lamang noong unang beses siyang gumanap bilang Hermione Granger sa unang pelikula ng Harry Potter, at ito rin ang pelikula na nagdala ng kasikatan sa kanyang pangalan.
Kahit siya ay sikat na at kumita na ng sapat, hindi siya nag dalawang-isip hinggil sa kanyang edukasyon. Hindi niya pinabayaan na madala siya ng kasikatan, ipinili niyang bumalik sa pag-aaral. Siya ay isang magandang halimbawa para sa mga kabataan dahil siya ay may malasakit sa tao at sa kalikasan. Bilang isang International Studies na mag-aaral, ito ang isa sa mga katangian na dapat taglayin. Iginamit niya ang kanyang kasikatan para ikalat ang mga mali at ang mga dapat gawin sa lipunan. Bilang isang peminista, madaming mga bata at matandang babae ang kanyang nabigyan ng inspirasyon sa buhay. Ipinakita niya na kaya din ng mga babae ang mga ginagawa ng mga lalake, at dapat pantay pantay ang turing sa bawat isa. Sa kamakailan lamang na Met Gala na naganap, ang kanyang kasuotan ay gawa sa mga kagamitan na recycled. Hindi niya inisip na kailangan siya ang may pinakamagandang damit, sa halip ay inisip niya na ito ay magandang pagkakataon para mapahiwatig ang kanyang pakiwari ukol sa mga kasuutan na nanggaling sa mga kompanyang nagdadala ng malaking pinsala sa kalikasan. Sa ganitong paraan, natuturuan niya ang kabataan na hindi tungkol sa kagandahan ang lahat lalo na kapag ito’y nakapahamak ng iba.

Si Emma Watson ang isa sa mga babae na aking tinutularan. Hindi lang dahil sa kanyang kagandahan, kundi pati na rin dahil sa kanyang perspektibo sa buhay. Para sa akin, ang kanyang mga advocacy ay dapat ganoon din sa lahat; ang malasakit sa tao at sa kalikasan ay importante lalo na sa panahon natin ngayon. 


Syntha Alcantara 
            Si Emma Watson ay magandang ehemplo sa mga kababaihan, lalong lalo na sa mga kabataang kagaya ko. Siya ay nagsilbing isa sa mga naging inspirasyon ko sa pagtanggap ng buo sa aking sarili at pati na rin sa pagsasatupad ng aking mga ninanais gawin sa aking buhay. Dahil sa kanyang angking talento o kagalingan sa iba’t ibang larangan, minsa’y ninais ko ring maging katulad niya. Di lamang siya naging magandang ehemplo para sakin kundi siya rin ay matuturing kong isang perpektong halimbawa ng babaeng simple ngunit may angking kagalingan na naipamamahagi niya sa kanyang kapwa. Tunay na kabigha-bighani si Emma Watson dahil bukod sa kanyang angking talent ay nakakaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at pag-arte. Nakakaya niyang ibalanse ang buhay niya simula nang kanyang pagkabata. Lalo ko siyang tinangkili sa kanyang kakayahan sapagkat marami siyang nababahagi sa ibang tao. Napaka simple niya para sa isang artista, Ngunit masasabing tunay siyang maganda ma pa anyong pisikal o sa kalooban. Dahil sa kanyang kagalingan sa iba’t ibang larangan ng sining, masasabi ko na hindi lamang ako ang tumatangkilik sa kanyang kagalingan. Hindi lamang ako ang na-inspira sa kanyang kakayahan.. Mas tinangkilik ko siya nang Makita ko ang kanyang plataporma sa isinusulong niyang HeforShe. Tulad niya, nais ko rin magsulong ng karapatang pang-tao upang magsilbing boses sa karamihan, lalo na ang mga nangangailangan. Marami akong nagustuhan sa kanya. Isa na riyan ang mamuhay ng simple sa kabila ng kanyang katanyagan. Masasabi ko na buong buo ang kanyang paninindigan sa sarili, na hindi niya kailangan magpanggap na ibang tao. Para siyang isang perpektong babaeng maraming dapat kainggitan sa kanya ngunit sa kabila ng lahat, nagbibigay ito ng leksyon sa atin na kailangan din nating magpursige tulad ng kanyang ginawa, upang maisatupad an gating mga pangarap sa buhay, sa sarili man o ibang tao.


Yumi Casem
           Si Emma Watson ay napakaganda at isang magaling na aktres. Hanga ako sa kanya dahil simula noong bata pa lamang siya ay malaki na ang nakamit niya sa buhay. Siya’y nagsisilbing inspirasyon para sa akin. Hanga rin ako sa kanya dahil hindi siya nahihiya na umamin  bilang isang feminista. Hindi niya rin pinabayaan ang kanyang edukasyon at nagtapos sa isang magandang eskuwelahan sa USA na Brown University.  Dahil kay Emma Watson, natutunan ko na hindi dapat natin pabayaan ang ating pag-aaral. Ang edukasyon ang tanging meron tayo na hindi kailanman mananakaw ng ibang tao. Ito ay napakaimportante sa ating buhay dahil dito tayo natututo ng iba’t-ibang mga kaalaman na ating ginagamit sa araw-araw. Importante rin ito para sa ating kinabukasan upang makahanap ng magandang trabaho. Hindi dapat natin ito pabayaan at dapat tayo magsumikap sa ating pag-aaral. Natutunan ko rin kay Emma Watson na huwag sumuko sa pagkamit sa ating mga pangarap. Siya’y nag-aral ng pag-aakto at di tumagal ay natanggap din sa isang napakaganda at napakasikat na palabas na Harry Potter at iba pang mga palabas. Kung tayo ay magsusumikap sa ating buhay at huwag mawalan ng pag-asa at hindi susuko, siguradong makakamit natin ang anumang mga pangarap natin sa buhay. Sa bawat pagkamit natin sa ating pangarap, dapat ay hindi rin natin hayaan makaapekto sa atin ang mga negatibong sinasabi ng ibang tao na patuloy na humahatak sa atin pababa. Sa halip ay dapat natin palibutan ang ating mga sarili ng mga taong handang sumuporta at gabayan tayo sa bawat hakbang sa ating patutunguhan. Natutunan ko rin kay Emma Watson na dapat tayo maging matapang at huwag mahiya na marinig ng iba ang ating mga boses. Ang ating mga boses ay mahalaga at hindi natin alam ay pwede rin tayong makatulong para sa pagbabago kagaya ng kanyang pagtulong sa paglaban para sa mga karapatan ng mga babae at gender equality sa tulong ng HeForShe campaign ng United Nations. Bilang isang International Studies na mag-aaral, malaking inspirasyon ang kanyang mga nagawa at malaki ang kanyang impluwensiya sa akin. Gusto ko rin makatulong kagaya ng pagtulong niya sa ating mga kapwa na walang boses sa ating lipunan.


Alyanna Criste
             Ang natutuhan ko kay Emma Watson ay mahalin ang sarili, at hindi mahalaga ang pera lalo na't kung hindi mo naman ito ikasasaya. Walang mas mataas at walang mas mababa, lahat tayo ay pantay pantay, babae man o lalaki. Hindi dapat hinahayaan na maging utusan lamang ng nga lalaki ang mga babae, dahil hindi binuhay ang mga babae para lang maging katulong o alila ang mga ito, sila o kami rin ay may mga karapatan kaparehas lamang ng mga lalaki.
Aking natutunan din sa kanya ay mahalaga o importante sa ating buhay ang edukasyon, lalo na sa mga kabataan ngayon, dahil ito ang magiging sandata natin sa ating kinabukasan, ito ang magiging daan upang maging matiwasay at gumanda ang ating buhay, dahil nasa atin lamang ang solusyon upang maging tama ang ating landas, dahil kung hindi tayo, sino ang kikilos? Wala namang 'instant' na solusyon, dahil kailangan natin itong paghirapan.


Rie Fujinami
                Emma Watson, isang babaeng dapat tularan. Galing man sa isang prominenteng pamilya sa Britanya, siya ay pinalaking may puso para sa ibang tao, at sa kalikasan. Perpekto man siya sa mata ng iba, walang makikitang bahid ng yabang o kung ano mang hindi kanais-nais na pag uugali. Siya ay simple, maganda, matalino, at mayroong paninindigan sa kayang salita at gawa. Nagsimula siya bilang artista at una siyang lumabas sa Hary Potter bilang Hermoine Granger, kung saan niya ay naging tanyag. Tinapos niya ang kanyang pag aaral sa sikat na Oxford University sa Britanya. Hindi niya pinabayaan ang kanyang pag aaral kahit siya pa ay mayroon busy na iskedule.
            Matulungin siya sa tao, at isang ganap din na peminista. Peminista dahil nais niyang ipalaganap sa lipunan ang pagkakapantay-pantay na pagtrato sa mga kababaihan at kalalakihan. Sa kanyang pananaw, ang mga babae ay likas ring may kakayahan at mayroong mga karapatan tulad ng mga lalaki, at sa kanyang paniniwala, kailangan matigil na ang di pagkakapantay-pantay sa pagitan ng babae at lalaki.
            Ang natutuhan ko kay Emma Watson ay maging isang ganap na babae, na marunong tumayo sa sariling mga paa na hindi kinakailangan sumunod sa kagustuhan ng lipunan mula sa isang babae. Natutuhan ko ring mahalin ang aking sarili dahil mayroon akong kakahayan na magpalaganap ng pagbabago sa sariling kong pamamaraan. Isa rin sa mga natutuhan ko sa kanya na maaari kong gamitin ang likas na kagandahang panloob at labas upang maging mabuting halimbawa at impluwensya sa lahat. Dapat din na pahalagahan ang edukasyon para magkaroon ng mas malakas na boses ang kababaihan sa paghahari ng kalalakihan sa lipunan. Natutuhan ko rin na importante na abutin ang mga pangarap sa abot ng aking makakaya kahit anong mangyari, kakayanin mo dahil gusto mo at laging may paraan. At huli, magkaroon ng tiwala sa sarili.

Mariella Racxine Ramintas

Si Emma Watson, isang sikat, maganda at may angking kakayahan upang ipaglaban ang mga kababaihan sa paraang kaya niya at magagawa niya. Iniidolo ko siya hindi dahil sa nakikita at napapanood ko siya sa iba’t-ibang mga pelikula, kung hindi dahil naipaglalaban niya ang kababaihan sa iba’t-ibang paraan. Ang natutuhan ko sa kanya ay ang huwag hayaan na ang mga babae ay apihin ng mga lalaki at huwag hahayaan na hindi makapagaral o makapagtapos ang mga sarili.
Si Emma ay isang Femenista. Ipinaglalaban niya kung ano ang dapat para sa babae at tumutulong din siya na mailagay sa ayos ang mga kababaihan. Madami na ang kaniyang nagawa upang maipaglaban tayo. Siya ay nagtalumpati patungkol sa hindi pagkaka pantay ng babae at lalaki noong naganap ang He for She Campaign. Ininilalaban niya ang mga karapatan ng mga babae sa pamamagitan ng pangangampanya at pagkakaroon ng talumpati sa mga malalaking okasyon o pagdiriwang sa ibang bansa. Nagkaron din siya ng petisyon upang magpayagan na ng parliyament ng Uruguay na makilahok ang mga kababaihan sa kanilang politika. Mayroon din siyang mga tinutulungan na mga bahay-ampunan, at mga ospital ng mga batang may mga malulubhang sakit. Ito ang mga bagay na gusto ko kaya Emma dahil sa kanyang pagiging matapang at pagiging palaban pag ang kababaihan na ang pinagusapan. Ang iniidolo ko ding babae na si Emma Watson ay nakapagtapos ng kolehiyo na may English degree sa Brown University sa Rhode Island. 
Sobra ang aking  paghanga sa kaniya dahil hindi naging hadlang ang kaniyang pagiging sikat sa kaniyang pagaaral. Nakita ko lamang sa kaniya na hindi matutumbasan ng ibang bagay o ng mga hinahangad natin ang edukasyon na dapat nating makamit. Ipinakita lamang ni Emma sa ating mga kababaihan lalong lalo na sa aming mga kabataan na hindi hadlang ang kahit anong bagay sa pagkamit ng mga gusto natin. Ang Edukasyon at ang Maipaglaban an gating mga karapatan ay hindi dapat itinatago lamang. 

            

No comments:

Post a Comment