Talambuhay

Si Emma Watson..



Si Emma Charlotte Duerre Watson ay isang British actress, model at isang feminista. Siya’y ipinanganak sa Paris, France noong April 15, 1990 ngunit lumaki sa Oxfordshire, England nang maghiwalay ang kanyang nanay at tatay na parehong British lawyers na sina Jacqueline Luesby at Chris Watson. Nag divorce ang kanyang mga magulang noong siya’y limang taong gulang pa lamang at sumama siya sa kanyang nanay at mas nakababatang kapatid na si Alex Watson. Pinangarap niyang maging actress simula noong pagkabata niya kaya kumuha siya ng coaching classes sa Stagecoach Theatre Arts upang makamit ang kanyang pangarap, kasabay ang pag-aaral sa Dragon School sa Oxford. Sa edad na sampung taong gulang, siya ay naging bahagi ng mga stage productions at dulaan. Dahil sa pag pursigi ng kanyang mga guro sa paaralan, nag-audition si Emma para sa movie adaptation ng librong Harry Potter ni J.K Rowling. Siya’y naging kilala dahil sa pagganap niya bilang Hermione Granger sa palabas na Harry Potter kung saan nag audition siya ng walong beses para sa role na ito. Siya’y nagustuhan agad ng manunulat ng Harry Potter na si J.K. Rowling at agad siyang pinili nito na gumanap bilang si Hermoine, isang matalinong bata, na isa sa malapit na kaibigan ni Harry Potter at ni Ron Weasley. Nang dahil sa kanyang pag-arte sa pelikula, naging isa siya sa pinaka-kilala at may mataas na kinikitang actress na wala pang edad 30 taong gulang sa buong mundo na kumikita ng £10 million. Simula ng pagtatapos ng Harry Potter, siya’y lumabas sa ‘My Week with Marilyn’ na ipinalabas noong 2011. Ang iba pa niyang kilalang palabas ay ang The Perks of Being a Wallflower at Noah. 42 beses siyang nagging nominado at nanalo ng 16 na parangal ng dahil sa kanyang pagganap na Hermione. Noong si Watson ay 11 na taong gulang pa lamang ay nanalo na siya ng Young Artist Award para sa Best Leading Young Actor. Muli siya nanalo ng parangal na Best Supporting Actress sa pelikulang The Perks of being a Wallflower. Si Watson ay isa sa mga nahirang sa Forbes list of Most Valuable Young Stars, na nasa pang-anim na bilang. Sa taong 2003, nilisan niya ang Dragon School nang dahil sa pagiging abala sa pag arte. Siya’y tinuruan para sa GCSE exams nang humigit-kumulang 5 oras kada araw. Natapos niya ito nang sumunod na taon at nakakuha ng A’s at walong A. Kahit na busy sa pagiging aktres, hindi niya pa rin pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Siya ay nakapagtapos sa Brown University sa Providence, Rhode Island, USA noong 2014 na may English degree. Siya rin ay kilala dahil sa kanyang fashion sense. Sinabi niya na ito ay mahalaga dahil isang pamamaraan ito ng pagpapakita kung sino ka talaga. Siya’y naging model ng Burberry at Lancome at naging cover din ng iba’t ibang mga magazine tulad ng Vogue. Noong 2014, hinirang rin siya bilang isang UN Women Goodwill Ambassador.  Siya’y tumulong sa paglunsad ng HeForShe campaign ng UN.  Siya’y patuloy na lumalaban para sa karapatan ng mga babae at gender equality.

No comments:

Post a Comment